Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

BASURA SA ABACAN, AGAD NILINIS; KOLEKSYON SCHEDULE, NILINAW

Kasunod ng ulat na tatlong araw na umano itong hindi nakokolekta, agarang ipinag-utos ni Barangay Malabanias Chairperson Luz Nava ang paglilinis ng tambak ng basura sa Abacan Loop nitong araw, Hunyo 23.

Nilinaw ni Kapitana Nava na hindi itinakdang tapunan ng basura ang lugar, at itinanggi rin niyang tatlong araw nang nakatambak ang mga ito. Ayon sa kanya, ang insidente ay maaaring dulot ng maling pagtatapon ng ilang residente.

“Hindi po dapat gawing tambakan ng basura ang tabi ng daan. Nakakaapekto ito sa kalinisan ng ating barangay,” panawagan ni Nava.

Ipinaalala rin ng kapitana na tatlong beses sa isang linggo ang iskedyul ng koleksyon ng basura sa Abacan Loop. Nangako siyang muling maglalabas ng opisyal na schedule para sa buong barangay upang maiwasan ang kalituhan at anumang hindi pagkakaintindihan.

Sa isang patimpalak na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles, lumutang bilang ‘Pinakamalinis na Barangay’ ng Angeles City ang Malabanias noong nakaraang taon. Ang pagkilalang ito ay nakamit sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng waste management policies.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *