Nagningning ang mga ngiti sa Panipuan covered court nang dumating si Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda para sa Kapitolyo sa Barangay program.
“The best po kayo! Kahit anong problema, nalalapit namin at natutulungan ninyo kami,” pahayag ni Emily Cunanan, isang residente ng Panipuan.
Tinalakay ng gobernador at bise gobernador ang iba’t ibang programa at proyekto ng kapitolyo para sa mga Kapampangan. Bilang bahagi ng programa, nagbigay din ang kapitolyo ng food packs at cash assistance sa 1,484 na kabalen.
Kasama sa aktibidad sina 3rd District Board Members Lucky Labung at Jun Canlas, Special Assistant to the Governor Angelina Blanco, PSWD Officer Fe Manarang, at mga kawani mula sa PDRRMO, PSWDO, PTO, GSO, pati na rin si Kap Gerard Santos at Kap Peter Siron.






