Bilang bahagi ng paghahanda para sa Undas 2025, ipinatupad ni Angeles City Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II ang malawakang paglilinis at pagpipintura sa Angeles City Public Cemetery and Crematorium upang matiyak na maayos, malinis, at maaliwalas ang lugar para sa mga dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng ‘proactive readiness’ para sa kaligtasan, kaayusan, at kaginhawaan ng mga Angeleño ngayong paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Day.






Kasama sa mga hakbang ang pagpapatupad ng seguridad at crowd control, pagsasaayos ng trapiko, pagpapanatili ng kalinisan, at pagbibigay ng agarang medikal at emergency assistance sa mga sementeryo.
Ang Undas ay pagkakataon din upang ipamalas ang disiplina, pagkakaisa, at malasakit ng bawat Angeleño.












