𝗔𝘁𝘆𝘂 𝗞𝗲𝗻𝗶 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝘂 by 𝗕𝗠 𝗠𝘆𝗹𝘆𝗻 𝗣𝗶𝗻𝗲𝗱𝗮-𝗖𝗮𝘆𝗮𝗯𝘆𝗮𝗯
Wala ng iba pang maipapamana ang mga magulang sa kanilang mga anak kundi edukasyon.
Ano man ang estado ng pamumuhay ng isang pamilya – mayaman o mahirap – maliban sa pagkain, ang edukasyon ng mga anak ang prayoridad.
Kaya naman ang gobyerno, nasyonal man at lokal, mandato na bigyan ng edukasyon – hindi lang basta edukasyon kundi kalidad na edukasyon – ang mga mamamayan nito lalo na ng mga kabataan.
Malaking hamon pa rin ang pagkakaloob ng ‘quality education’ sa mga batang Filipino. Dito sa Pampanga, para makatugon ang Panglalawigan Pamahalaan sa pangkalahatang agenda ng Adminstrasyong Marcos pagdating sa edukasyon ay kusa ng kumilos para makatulong sa Department of Education na maisulong ang mandato nito na makapag-aral ang lahat ng batang Filipino.
Yan talaga ang priority ni Gov. Delta (Gov. Dennis Pineda) na sana halos lahat ng Kapampangan, kung maari ay makatapos ng pag aaral.
Kaugnay nito, magtatayo ang Provincial Capitol ng Pampanga ng mas maraming school building, kabilang ang dalawang high school learning facility, bilang bahagi ng layunin gawing mas accessible ang edukasyon sa mga Pampangueño.
Sa ngayon kasi mas marami ang mga elementary school sa lalawigan kaysa sa mga high school building.
Kaya kami sa provincial government, hindi namin pababayan ang DepEd na sila lang ang magpupuno sa pagkukulang pagdating sa edukasyon.
Nakasuporta tayo riyan.
Para sa taong 2024, ang kapitolyo ay naglaaan ng Php200 million para sa Special Education Fund ng pamahalaang lokal.
Ang pagkakaroon ng kalidad na edukasyon ng mga batang Kapamgpangan ay makakamit sa sama-samang pagkilos ng lahat. Mula sa ama ng lalawigan hangang sa mga ama at ina ng mga bayan ng Pampanga.
Ang pagtatayo ng mga satellite campus o state universities sa kanilang nasasakupan ay makakatulong sa para makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga batang Pampangueño.