Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

₱172K halaga ng shabu nasamsam, 8 suspek arestado sa anti-drug operations sa Bulacan

Arestado ang walong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makumpiska ang tinatayang ₱172,080 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa ng Bulacan Police Provincial Office noong Marso 6, 2026.

Ayon kay PLTCOL Reyson M. Bagain, hepe ng San Jose Del Monte City Police Station, bandang alas-7:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement Unit sa Barangay Muzon East, San Jose del Monte City, Bulacan, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspek.

Nasamsam mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang bloke ng pinatuyong dahon na hinihinalang marijuana na nakabalot sa manipis na plastic film, at buy-bust money. Tinatayang nagkakahalaga ang mga nakumpiskang ilegal na droga ng ₱120,360.

Samantala, batay sa ulat ng mga hepe ng pulisya sa Santa Maria, Bulacan, Bustos, Bulacan, Pandi, Bulacan, at Bocaue, Bulacan, pito pang hinihinalang drug suspects ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon. Labindalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang ₱52,720 ang nakumpiska mula sa kanila.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dinala rin ang mga nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Forensic Satellite Unit para sa drug test at laboratory examination.

Ayon kay PCOL Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan PNP, patuloy ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *