Bumisita sa tanggapan ni Governor Lilia “Nanay” Pineda ang bagong talagang Regional Director ng National Bureau of Investigation (NBI) na si RD Olivo A. Ramos, kasama si Assistant Regional Director (ARD) Alexander Bautista.



Sa naturang courtesy visit, tinalakay ang iba’t ibang hakbang upang higit pang mapalakas ang ugnayan at koordinasyon ng NBI at ng Pamahalaang Panlalawigan, partikular sa pagpapahusay ng serbisyo sa publiko at pagpapatupad ng batas sa lalawigan.
Nagpahayag naman ng buong suporta si Gov. Pineda sa ahensya, kabilang ang pagtulong sa pagpapagawa ng bagong opisina ng NBI upang mas mapalawak ang kakayahan nito sa paghahatid ng serbisyo sa mga Kapampangan.
📸Pampanga PIO












