Darating sa Barangay San Ildefonso ang ₱20 kada kilong bigas sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na layong magbigay ng abot-kayang pagkain sa mga pamilyang Pilipino.
Sa inisyatiba ni Mayor Malu Paras-Lacson, isasagawa ang Bigasan ng Bayan Program sa Enero 15, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa Balitucan Covered Court.
Pinapayagang makabili ang hanggang 1,000 benepisyaryo ng tig-10 kilo ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo. Bibigyang-prayoridad ang mga solo parent, persons with disability (PWD), at senior citizens.
Inaasahang magbibigay-ginhawa ang programa sa gitna ng patuloy na hamon sa presyo ng mga pangunahing bilihin.










