Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Bagong Rizal Exhibition Hall, planong itayo sa National Museum Complex

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang pagpupulong kasama ang National Museum of the Philippines kaugnay ng planong pagtatayo ng Rizal Exhibition Hall sa loob ng National Museum Complex sa Rizal Park, Maynila.

Ayon sa pamahalaan, ang planong gusali ay bahagi ng Master Plan ng National Museum Complex at nakahanay sa Burnham Plan for Manila na inilatag noong 1905.

Kapag naisakatuparan, magsisilbing purpose-built exhibition hall ang Rizal Exhibition Hall na magpapalawak sa exhibition space ng museo. Inaasahan din nitong mapapataas ang kapasidad ng National Museum Complex na tumanggap ng hanggang 5 milyong bisita kada taon.

Layunin ng proyekto na mas mapalapit sa publiko ang sining, kultura, at kasaysayan ng bansa, at mas maraming Pilipino ang mabigyan ng pagkakataong maranasan ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *