Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Bangkay na na-freezer ng 5 Araw, na-release sa tulong ng Kapitolyo

Emosyonal na humingi ng tulong sa Kapitolyo si Kristin Castro matapos hindi mairelease ng isang ospital sa Angeles City ang bangkay ng kanyang ama, na limang araw na umanong naka-freezer dahil sa kakulangan sa pambayad ng professional fee. Pumanaw ang kanyang ama dahil sa right basal ganglia.

Ayon kay Kristin, nauna na silang natulungan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda upang mabayaran ang hospital bill. Gayunpaman, hindi pa rin sila pinayagang ma-discharge dahil kailangan pa rin ng pambayad para sa professional fee, at hindi tinanggap ang kanilang hiling na promissory note dahil wala silang maibigay na collateral.

Agad itong inaksyunan ni Gov. Nanay, na iniulat ang insidente sa Department of Health (DOH). Sa tulong ng DOH, nabayaran ang natitirang balanse upang ma-release ang bangkay at maayos na mailibing. Kinumpirma ng Pampanga PIO na nailabas na kahapon ang katawan ng ama ni Kristin at kasalukuyang nakalibing.

Samantala, umabot na sa 338 Kapampangan ang nakatanggap ng medical assistance mula sa Kapitolyo, na may kabuuang halagang humigit-kumulang P6.5 milyon, batay sa tala ng Governor’s Medical Assistance Office.

Nanawagan sina Gov. Nanay at Vice Gov. Delta sa publiko na agad lumapit sa Kapitolyo kung makararanas ng kahalintulad na problema upang mabigyan ng agarang tulong.

📸Pampanga PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *