Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Benteng Bigas Meron na sa Mabalacat

Matagumpay na inilunsad sa lungsod ang P20 Program: Benteng Bigas Meron na sa Mabalacat, na naglalayong magbigay ng abot-kayang bigas para sa mga Mabalaqueños.

Isinagawa ang programa sa tulong ng Provincial Government of Pampanga sa pamumuno ni Governor Lilia ‘Nanay’ Pineda, katuwang ang tanggapan ni Jimmy Manliclic ng Office of the Provincial Agriculturist of Pampanga.

Ang paglulunsad ng programa ay bahagi rin ng kick-off ceremony ng Trade Fair bilang pagdiriwang ng National Women’s Month 2026, na inorganisa ng City Population and Gender and Development Office of Mabalacat upang kilalanin at suportahan ang mahalagang papel ng kababaihan sa komunidad.

Nagbigay naman ng buong suporta ang Local Government Unit of Mabalacat City sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Geld Aquino upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng abot-kayang bigas at makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Mabalaqueño.

BentengBigasMeronNa

MabalacatAgriculture

MabalacatGovernmentInAction

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *