Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales, sa pamumuno ni Gobernador Hermogenes “Jun” Ebdane Jr., sa pagdiriwang ng Senior Citizen Foundation Day 2026 ng Bayan ng Cabangan na ginanap sa Cabangan Sports Center.
Binigyang-diin sa selebrasyon ang patuloy na suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga senior citizen sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng malasakit, pagkakaisa, at aktibong partisipasyon ng mga nakatatanda sa komunidad. Bilang bahagi ng programa, personal na nanguna si Gobernador Ebdane sa pamamahagi ng mga raffle prize upang maghatid ng dagdag na saya at ngiti sa mga dumalo.





Ayon sa mga opisyal ng lalawigan, patunay ang aktibidad na ito ng malasakit ng pamahalaan sa kapakanan ng mga senior citizen at pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa lipunan.
Ang pagdiriwang ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales na palakasin ang mga serbisyong panlipunan at programa para sa mga nakatatanda sa buong lalawigan.












