Kasama ang mga kawani ng DPWH, nag-inspeksyon ang mga staff ni Pampanga First District Congressman Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., sa pangunguna ni Political Affairs Assistant I Michael Lising, sa Barangay San Pedro II, Magalang upang matukoy ang magiging lokasyon ng itatayong day care center sa lugar.
Maaalalang noong Enero 8, inanunsyo ni Cong. Pogi na naglaan ang DPWH ng P220 milyon para sa pagtatayo ng 68 day care centers at 13 computer laboratories sa Unang Distrito ng Pampanga.

















