Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Ipinamahagi ang Burial Assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Santa Rita

Ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Santa Rita ang burial assistance sa mga aprubadong benepisyaryo para sa mga aplikasyon mula Nobyembre 2025 hanggang Enero 2026 bilang bahagi ng patuloy nitong mga programang panlipunan.

Ayon sa mga opisyal ng bayan, kabilang sa mga prayoridad na programa ang burial assistance at agad na tiniyak ang pondo nito matapos maupo ang kasalukuyang administrasyon noong Hulyo 2025.

Nagbibigay din ang munisipyo ng full burial assistance sa mga kwalipikadong indigent families. Sa ilalim ng programang ito, direktang nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa mga accredited funeral service providers upang sagutin ang gastusin sa burol at libing kung walang kakayahang magbayad ang pamilya.

Personal ding dumalo ang punong ehekutibo ng bayan sa payout upang kumustahin ang mga benepisyaryo at alamin ang kanilang kasalukuyang kalagayan.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng programang “Bayung Santa Rita” na makapaghatid ng tulong sa mga pamilyang Ritenian, lalo na sa oras ng pagdadalamhati.

Tiniyak ng mga opisyal na magpapatuloy ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan ng Santa Rita sa mga susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *