Isinasagawa ngayong Enero 12 ang Regular Kadiwa Pop-Up Store sa DA-RFO III Covered Court at DSWD Region III bilang bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan na maghatid ng sariwa at abot-kayang produktong lokal sa mamamayan.






Direktang nagmumula sa mga magsasaka ng iba’t ibang lalawigan sa Gitnang Luzon ang mga panindang inaalok sa Kadiwa, na layong palakasin ang lokal na produksyon at suportahan ang kabuhayan ng sektor ng agrikultura.
Bukas ang Kadiwa Pop-Up Store mula alas-8 ng umaga at magpapatuloy hanggang sa maubos ang mga paninda. Inaanyayahan ang publiko na makilahok at tangkilikin ang dekalidad at murang produktong lokal.










