Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

KATANGIAN NG MGA FILIPINO NA WALA SA IBANG BAYAN

ATCHU KENI PARA MAGSERBISYU by BM Mylyn Pineda Cayabyab

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na mataas ang pagpapahalaga sa mga nakatatanda o mga ‘senior citizen.’ 

Pagpapatunay nito ay ang pag-aaruga ng pamilyang Pilipino sa kanilang mga “elderly.” 

Sina lolo at lola ay inaaruga sa loob mismo ng sariling tahanan – dukha man o mayaman – sila ay inaalagaan, kinakalinga hanggang kamatayan. 

Ito ang katangian Pilipino na wala sa ibang bayan. 

Upang lalong maipakita ng ating gobyerno ang pagmamahal sa mga nakatatandang populasyon lalo na ng mga umabot sa 100 taong gulang, isang batas ang ipinasa ng Kongreso at pinimarhan ng Presidente na nagbibigay tulong-pinansiyal o ‘cash incentives’ na aabot sa Php 100,000. Ang batas na ito ay tinawag na “Centenarian Act of 2016” o Republic Act No.10868. Layunin nang batas ay mabigyan ng karangalan at pag-galang ang mga sentenaryong Pilipino.

Ang pribilehiyong ito ay pinalawak pa ng Panlalawigang Pamahalaan ng Pampanga upang ang bawat Kapampangan na 95-taong gulang pataas ay makatanggap ng karagdagang parangal at benepisyo na nagkakahalaga din ng Php 100,000.
Ito ay sa bisa ng Pampanga Provincial Ordinance 647, series of 2014 (Ordinance Enacting the Senior Citizen Code of the Province of Pampanga) at sinusugan nang Provincial Ordinance 683.

Ang Kapitolyo ng lalawigan ng Pampanga ay nagnanais na siguraduhin na walang maiiwan na ‘Cabalen’ lalo na sa programa nito sa mga Senior Citizen at Centenarians.
Kinikilala ng Kapitolyo ang mga kontribusyon ng mga lolo’t lola, hindi lamang sa kani-kanilang pamilya, higit lalo sa kanilang komunidad. Ito ay isang regalo o “token” bilang pasasalamat sa mahabang panahon ng kanilang paglilingkod sa bayan. Kasama na din dito ay ang pagkilala sa mga pamilya at kamag-anak nang mga “seniors” na nag-aaaruga at patuloy na nagmamahal sa mga kapamilya nila.

Ang parangal sa mga ‘senior citizen at sentenaryo’ ay mensahe rin sa mga kabataan ngayon, na ang pagmamahal, pag-galang at pagsisilbi sa ating mga nakakatanda ay kaakibat nang pag-unlad nang bayan.

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *