Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Kapitolyo, namigay ng incentive sa 68 Board Passers

Kinilala ng Kapitolyo ang tagumpay ng 68 Kabalen na nakapasa sa kani-kanilang board examinations ngayong taon, bilang pagkilala sa kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon.

Personal na binati nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda ang mga bagong lisensyadong propesyonal at ginawaran ng financial incentive na hanggang ₱15,000 bawat isa.

Mga Pinarangalan:
✨ 50 Social Worker graduates at board passers
✨ 16 Certified Public Accountant (CPA) passers

Kasama rin sa pamamahagi ng insentibo sina Board Members Fritzie David Dizon, Kaye Naguit, Christian Halili, Cherry Manalo, Chief of Staff to the Vice Governor Angelina Blanco, at Provincial Librarian Jasmine Cordero.

Patuloy and Kapitolyo sa pagsuporta sa edukasyon at tagumpay ng bawat Kabalen, at ipinagdiwang ang tagumpay ng mga bagong lisensyadong propesyonal bilang tagumpay ng buong Pampanga.

📸Pampanga PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *