Nakatanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ng 4,000 units ng pneumonia vaccine mula sa Better Options Pharmaceuticals bilang suporta sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.
Personal na tinanggap ni Governor Lilia “Nanay” Pineda, kasama si Fourth District Board Member Kaye Naguit, ang donasyon sa isang ceremonial turnover sa Kapitolyo. Pinasalamatan ni Governor Pineda ang kumpanya at tiniyak na ang mga bakuna ay mapapakinabangan ng mga Kapampangang higit na nangangailangan, lalo na ang mga kabilang sa vulnerable sectors.





Ayon kay Jojo Ambalada, manager ng Better Options Pharmaceuticals, napili nilang ipagkaloob ang donasyon sa Pampanga dahil sa matibay na paninindigan ni Governor Pineda sa health care advocacy.
Kaisa ng pharmaceutical company sa turnover si San Simon Acting Mayor Anne Canlas. Dumalo rin sina Guagua Mayor Anthony Joseph Torres, Chief of Staff kay Vice Governor Angelina Blanco, at mga opisyal mula sa PGENRO at GSO.
📸Pampanga PIO












