Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Libreng inbred seeds para sa mga magsasaka ng Tarlac

Matagumpay na ipinamahagi ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, ang pamimigay ng libreng inbred seeds sa mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Sa tulong ng City Agriculture Office na pinamumunuan ni City Agriculturist Norma P. Tongol, mahigit na 126 sakong inbred seeds at 19 sakong hybrid seeds ang naibigay sa 80 na lokal na magsasaka sa Brgy. Sinait.

Pinag usapan din ang georeferencing sa isinagawang Agricultural Courtesy Farmers’ Conference Call sa Brgy. San Juan De Mata sa tulong ng mga Georeferencing Field Assistants mula sa Department of Agriculture (DA) Region III Pampanga na sina Robin Lara at Ian Christopher Magday.

Patuloy pa rin ang tulong at suportang ibinibigay ng pamahalaan ng Tarlac para sa pag-unlad hindi lang sa lungsod kundi lalo na sa mga magigiting na magsasakang Tarlaqueño. (PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *