Nagsagawa ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente ng Brgy. Baras-Baras bilang bahagi ng patuloy na programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng aktibidad na masiguro na ang bawat pamilya ay may madaling access sa tamang pangangalaga sa kalusugan. Ayon sa mga opisyal, ang pagpapanatili ng mabuting kalusugan ay pundasyon ng matatag na pamilya at komunidad.
Hinikayat ang lahat na patuloy na makiisa sa mga programang pangkalusugan upang mas mapalakas ang komunidad at magkaroon ng mas malusog at mas masayang Tarlac City.













