Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

MABALACAT CITY, ALL SET NA SA MASAYANG FIESTANG BALEN 2026

Handa na ang lahat para sa makulay at masiglang pagdiriwang ng Fiestang Balen 2026, kaya naman inaanyayahan ni Mayor Geld Aquino ang lahat ng Mabalaqueños na makiisa sa iba’t ibang aktibidad na inihanda ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ng City Tourism Office.

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng selebrasyon, idineklara ang Pebrero 2 bilang Special Non-Working Holiday sa buong lungsod upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na lubos na makilahok sa kasiyahan.

Gaganapin ang mga pangunahing aktibidad sa Tabnuan (Mabalacat Cultural Center) at sa Our Lady of Grace Parish Church Patio, tampok ang mga sumusunod:

Enero 30 (Biyernes)
Opening of Food Fair
4:00 PM – 11:00 PM

Enero 31 (Sabado)
Food Fair at Mabalacat Master Chef
4:00 PM

Pebrero 1 (Linggo)
Mabalacat Got Talent
8:00 PM

Pebrero 2 (Lunes)
Araw ng Pista
Libreng Konsiyerto tampok ang The Juans

Bukod sa pagdiriwang ng pista, inanunsyo rin ni Mayor Aquino ang pagbabalik ng tinaguriang “grandest among the grand” Miss Mabalacat City. May 27 kandidata ang magpapakitang-gilas sa Pre-Pageant Night sa Pebrero 20 at sa Coronation Night sa Pebrero 23.

Inaasahang magiging mas masaya, mas makulay, at mas engrande ang Fiestang Balen 2026 bilang pagdiriwang ng kultura, talento, at pagkakaisa ng Mabalacat City.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *