Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Mabalacat City nagkaloob ng tulong pinansyal sa 148 seasonal farm workers

Nagkaloob ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Mabalacat sa 148 Mabalaqueñian seasonal farm workers na hindi natuloy ma-deploy patungong South Korea noong nakaraang taon.

Pinangunahan ni Mayor Geld Aquino, kasama sina City Agriculture Department Head Engr. Rem Magtubo-Donato at CSWDO Head Josephine Tanglao, ang pamamahagi ng tulong nang Enero 22.

Ayon sa mga benepisyaryo, malaking tulong ang natanggap na ayuda para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na matapos maantala ang kanilang planong pangingibang-bansa.

Tiniyak ni Mayor Aquino na sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga lungsod sa South Korea, unti-unti ring mabibigyan ng pagkakataon ang mga seasonal farm workers na ma-deploy sa mga susunod na buwan.

Samantala, kumpirmadong inalis na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang suspension sa deployment ng mga seasonal workers mula Mabalacat City patungong South Korea.

Matatandaang noong nakaraang taon ay pansamantalang sinuspinde ng DMW ang deployment matapos maiulat ang ilang iregularidad, kabilang ang umano’y iba’t ibang uri ng koleksyon na ipinataw sa mga seasonal workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *