Matapos tanghaling Miss Grand International 2025, nakatakdang umuwi si Mabalaqueña beauty queen Emma Mary Tiglao sa kanyang hometown sa Lungsod ng Mabalacat.
Bilang pasasalamat sa karangalang ibinigay niya sa siyudad, inihahanda ng Mabalacat City LGU ang isang Grand Homecoming Parade sa November 25, 4 p.m., na magsisimula sa kahabaan ng MacArthur Highway sa tapat ng Puregold Dau.
“Isang malaking karangalan po ang inihatid ni Ms. Emma Tiglao, at kami po sa City Government ay nagpapaabot ng pagbati sa kanyang ipinakitang ganda at talino sa Miss Grand International. Tunay na ang gandang Mabalaquenian ay world-class!” pahayag ni Mayor Geld Aquino.
Inaanyayahan ng LGU ang lahat ng Mabalaqueños na makiisa at makibahagi sa masayang pagsalubong kay Emma sa kanyang homecoming parade.











