Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Mahigit ₱5M Medical at Burial Aid, Ipinamahagi ng Kapitolyo

Namahagi ang Provincial Government of Pampanga ng mahigit ₱5 milyon na tulong pinansyal para sa mga Kapampangan na nangangailangan ng medical at burial assistance noong Lunes, Pebrero 16, 2026.

Personal na pinangunahan ni Governor Lilia ‘Nanay’ Pineda ang pamamahagi ng mga tseke sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang panlalawigan para sa accessible na serbisyong pangkalusugan at social support.

Ayon kay Gov. Pineda, patuloy niyang hinihikayat ang mga Kapampangan na magpa-check-up at sumailalim sa laboratory tests upang maagapan ang malulubhang sakit at maiwasan ang dialysis sa pamamagitan ng maagang detection at preventive healthcare.

Umabot sa 110 benepisyaryo ang nakatanggap ng medical financial assistance na nagkakahalaga ng mahigit ₱4.6 milyon para sa hospitalization, laboratory procedures, gamot, at iba pang gastusing medikal.

Samantala, 98 pamilya naman ang nabigyan ng burial assistance na umabot sa kabuuang ₱533,000 upang makatulong sa gastusin sa panahon ng pagluluksa.

Tiniyak ng pamahalaang panlalawigan na bukas at handa ang kanilang mga tanggapan na tumugon sa mga Kapampangan na nangangailangan ng tulong.

Dumalo rin sa pamamahagi sina Board Members Fritzie David-Dizon, Cherry Manalo, Christian Halili, at Shiwen Lim, na nagpahayag ng patuloy na suporta sa mga programang nagbibigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *