๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐-๐ช๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐. ๐ต๐๐๐๐
Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga Kapampangan, matapos talakayin ni Governor Lilia โNanayโ Pineda ang posibilidad ng telehealth at digital health care solutions sa pakikipagpulong sa Health and Wellness Solutions (HAWS).
Layunin ng pagpupulong na pag-aralan ang mga bagong paraan upang mas mapalawak at mapadali ang access sa serbisyong medikal, lalo na para sa mga Kapampangang nahihirapang agad makapagpatingin sa doktor dahil sa distansya, kakulangan ng pasilidad, o iba pang limitasyon.



Personal na sinuri ni Gov. Nanay ang mga programang maaaring idagdag sa Alagang Nanay Preventive Health Care Program upang masigurong may sapat na proteksyon at maagap na pag-aalaga ang bawat Kapampangan. Kasama niya sa talakayan sina Vice Governor Dennis โDeltaโ Pineda, Sangguniang Panlalawigan Health Committee Chairperson at Board Member Dr. Kaye Naguit, at Nanay Partylist Secretary General Atty. Nicolette Henson.
Dumalo rin sa pulong sina Department of Foreign Affairs Assistant Secretary for Civilian Security Elmer Cato at Dr. Rylan Flores, gobernador ng Philippine Medical Association. Ibinahagi naman ni HAWS Chief Advocate Gen. Lau ang mga serbisyong telehealth at digital care na makatutulong upang maihatid ang konsultasyon at serbisyong medikal sa mga komunidad, kabilang ang mga malalayo at kulang sa pasilidad na lugar.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibang ito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang layuning matiyak na walang Kapampangan ang maiiwan pagdating sa kalusuganโmay access, may gabay, at may agarang tulong sa oras ng pangangailangan.
๐ธ Pampanga PIO












