Ipinagpatuloy noong ika-19 ng Disyembre ang pamamahagi ng Annual Cash Benefit para sa mga senior citizen sa iba’t ibang barangay sa Tarlac City.
Kabilang sa mga barangay na nakinabang sa naturang programa ang San Rafael, San Miguel, Atioc, Buenavista, at Capehan, kung saan personal na tinanggap ng mga nakatatanda ang tulong-pinansyal mula sa pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Office of Senior Citizens’ Association (OSCA).







Isinagawa ang payout sa kaniya-kaniyang covered court ng mga barangay upang matiyak ang maayos, organisado, at ligtas na pamamahagi ng benepisyo sa mga benepisyaryo.











