Extended hanggang tanghali ng Enero 23, 2026 ang pasahan ng requirements para sa mga iskolar ng Munisipyo ng Guagua, ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan.
Inaanyayahan ang mga kwalipikadong iskolar na agad isumite ang kanilang mga kinakailangang dokumento upang makumpleto ang proseso ng aplikasyon. Ang pagsusumite ng requirements ay isinasagawa sa Window 3 ng Office of the Mayor, kung saan ang mismong estudyante ang kinakailangang magpasa at sumailalim sa maikling interview. Hindi tatanggapin ang mga dokumentong ipapasa ng magulang, guardian, o iba pang kinatawan.
Kabilang sa mga kailangang isumite ang sumusunod:
- Biodata na may isang piraso ng 2×2 na litrato
- Certificate of Registration para sa Second Semester, School Year 2024–2025
- Original Certificate of Grades para sa First Semester, School Year 2024–2025
– Kung galing sa portal o screenshot, dapat malinaw na nakalagay ang buong pangalan ng estudyante, semester, academic year, at pangalan ng paaralan - Original Barangay Indigency Certificate
- Photocopy at original na school ID
– Kung wala pang ID, kinakailangang magsumite ng certificate of non-issuance mula sa School Registrar - Para sa mga nag-aaral sa private school, kopya ng resibo ng downpayment noong enrolment para sa Second Semester, School Year 2024–2025
Samantala, ipinaalala rin ng pamahalaang bayan na ang aplikasyon para sa Educational Financial Assistance Program (EFAP) ng 2025 Batch ay nagsara na noong Oktubre. Ang mga bagong aplikante ay pinapayuhang hintayin ang pagbubukas ng application period para sa 2026 Batch.
Hinihikayat ang lahat ng aplikante na sundin ang itinakdang proseso at kumpletuhin ang requirements sa loob ng itinakdang panahon upang maiwasan ang abala.












