Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

๐๐š๐ฌ๐ฎ๐ค๐š๐ง ๐ง๐š ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ง: ๐๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐ž๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ!

Katulad sa ibang lugar sa bansa, ang mga Kapampangan ay naghahanda sa pagbubukas ng klase.  Bagamaโ€™t ang lalawigan ng Pampanga ay hindi nakaligtas sa baha na dala ng bagyong Egay, unti-unti namang nagbabalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao.

Sa suporta ng ama ng lalawigan na si Governor Delta Pineda, ang mga mag-aaral sa ilang mga bayan ay hindi na magsi-siksikan.

Sa Candaba, 4 na silid aralan o classroom ang itinayo sa Talang High School. Sa Calangain Elementary School 4 na classroom ang pinasinayaan.

Anim na silid-aralan naman ang itinayo sa Rizal Concepcion Elementary School sa Lubao at anim rin Sta Rita Elementary School sa Sta Rita.

Sa kabuuan apat na paaralan at dalawampung classroom ang naghihintay sa mga mag-aaral na magbabalik eskwela sa mga nabanggit na bayan sa lalawigan ng Pampanga.

Ang mga paaralang ito ay malaking tulong sa mga batang na balik na ulit sa โ€˜face to face learningโ€™ – matapos ang 2- taong hybrid o blended learning na sistema ng edukasyon.

Para sa mga bata na magsisimula pa lamang ang unang araw sa eskwela mahalaga na maging maganda ang kanilang karanasan sa kanilang mga silid aralan.

Ang silid-aralan ay ikalawang tahanan ng mga bata kaya ang suporta ni Gov Delta Pineda sa pagpapatayo ng mga bagong paaralan sa lalawigan ng Pampanga ay malaking tulong sa paghubog sa murang kaisipan ng mga batang Pampangenyo na itaguyod ang pamilya, mahalin ang kapwa tao at higit lalo sa lahat ang bansang Pilipinas.

Related Posts

๐๐ฎ๐ฅ๐š๐œ๐š๐ง ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐จ๐ฉ๐ž๐ง๐ฌ ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐Ž๐ฉ๐ก๐ญ๐ก๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฒ, ๐•๐ข๐ฌ๐ฎ๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž๐ฌ

๐‚๐ž๐›๐ฎ ๐ก๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ, ๐ญ๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ๐ฌ ๐ฅ๐ž๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐’๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ๐จ๐ซ๐ž

๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒโ€™๐ฌ ๐ž๐ฑ ๐€๐๐‚๐ฌ ๐›๐š๐œ๐ค ๐๐จ๐ ๐ข ๐‹๐š๐ณ๐š๐ญ๐ข๐งโ€™๐ฌ ๐œ๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐›๐ข๐

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Posts