Inaanyayahan ang mga Angeleños na makiisa sa tradisyunal na pagdiriwang ng Simbang Gabi sa mga simbahan at kapilya sa buong lungsod. Ito ay panahon ng pananampalataya, panalangin, at espirituwal na paghahanda para sa pagdiriwang ng Pasko, kasama ang pamilya at pamayanan.
Upang gabayan ang mga deboto, inilabas ang iskedyul ng Simbang Gabi sa bawat simbahan at kapilya upang maging maayos ang pagdalo ng mga mananampalataya. Nawa’y magsilbing pagkakataon ang Simbang Gabi upang magtipon ang mga pamilya, magpasalamat, at patuloy na patatagin ang diwa ng pagkakaisa at pananampalataya ng mga Angeleño.















