Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Strawberry farm sa Bulacan sumailalim sa PhilGAP training

Isinailalim sa Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) training ang IntelliFarm, isang strawberry farm sa Balagtas, Bulacan, noong Enero 27, sa pangunguna ng Regulatory Division ng Department of Agriculture–Gitnang Luzon.

Gumagamit ang IntelliFarm ng makabagong indoor vertical hydroponics, kung saan ang mga pananim ay itinatanim nang patayo sa loob ng gusali gamit ang nutrient-rich water imbes na lupa. Layunin ng PhilGAP training na matiyak na ang produksyon ay ligtas, de-kalidad, at responsable sa kapaligiran, habang pinapangalagaan ang kalusugan ng mga mamimili at manggagawa.

Ayon kay Marilyn Velarde, PhilGAP Focal Person, ang sertipikasyon ay hindi lamang nakatuon sa kaligtasan ng pagkain at kapakanan ng manggagawa, kundi nagbubukas din ito ng mas malawak na oportunidad sa merkado para sa mga produktong agrikultural. Ibinahagi naman ni Agriculturist Christian Canlas ang apat na pangunahing prinsipyo ng PhilGAP—kaligtasan sa pagkain, pangangalaga sa kalikasan, kalusugan at kaligtasan ng manggagawa, at katiyakan sa kalidad ng produkto. Tinalakay naman ni Jofel Ocampo ang proseso at mga hakbang sa pag-aaplay para sa sertipikasyon.

BagongPilipinas #DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *