Bumuo ngayong hapon ang pamunuan ng Barangay Balibago ng isang “Task Force” upang magsagawa ng paghahanap kay Tess Mamac.
Ayon kay Barangay Kap PG Ponce, iikutin ng grupo ang rutang patungong Mabalacat via Concepcion–Magalang Road upang magtanong at magsagawa ng search operations.
Kabuuang apat (4) na sasakyan at apat (4) na motorsiklo ang idineploy upang mag-ikot sa nasabing ruta mula hapon hanggang gabi ngayong araw.

















