Nagkaloob ng tulong-pinansyal ang Tarlac City Government sa 105 senior citizens sa isinagawang payout activity noong Pebrero 16, 2026 sa city hall ng Tarlac City.
Pinangunahan ang pamamahagi ng ayuda ng Office of the Senior Citizens Affairs – Tarlac City, na layuning makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo.






Ayon sa Pamahalaang Lungsod, ipinapakita ng programa ang patuloy na malasakit ng pamahalaang lungsod sa kapakanan ng mga nakatatanda bilang mahalagang bahagi ng komunidad.
Bahagi ang aktibidad ng patuloy na social welfare programs ng lungsod para sa senior citizens.












