Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Tanim ng Iba’t Ibang Lahi: Sama-Samang Pagtatanim para sa Kinabukasan

Maagang isinagawa ang “Tanim ng Iba’t Ibang Lahi” tree planting activity sa San Isidro Complex bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa bawat punong itinanim, isinusulong ang adhikain para sa mas luntiang kapaligiran at mas ligtas na kinabukasan. Ang aktibidad ay nagsisilbing paalala ng kolektibong pananagutan ng komunidad sa pagprotekta at pagpapanatili ng likas na yaman.

Nakiisa sa pagtatanim ang mga Ginoo at Binibining Kanlahi 2026, kasama ang mga boluntaryo at katuwang na ahensya, na nagpakita ng pagkakaisa at malasakit para sa kapaligiran.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na pinauunlad ang isang mas luntiang at mas maayos na Tarlac para sa susunod na henerasyon. 🌱💚

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *