Naghatid ng ngiti at ginhawa ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac matapos itong magsagawa ng financial assistance payout para sa 115 Tarlaqueño noong Enero 8, 2026, bilang tulong sa kanilang mga pangangailangang medikal at iba pang mahahalagang gastusin.
Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 35 Tarlaqueño ang tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), habang 80 naman ang napagkalooban ng tulong mula sa Community Affairs ng Pamahalaang Lungsod. Ang mga tulong ay inilaan para sa gastusing medikal, bayarin sa ospital, burial assistance, at iba pang agarang pangangailangan.









Binigyang-diin ni Mayor Susan A. Yap na patuloy na prayoridad ng lokal na pamahalaan ang kalusugan at kapakanan ng mga Tarlaqueño. Ayon sa alkalde, layunin ng lungsod na higit pang mapaunlad ang mga serbisyong pangkalusugan at matiyak na may karamay ang bawat mamamayan sa oras ng pangangailangan.
Nagbigay ng tulong-pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa 115 Tarlaqueño para sa gastusing medikal at iba pang pangangailangan. Patuloy ang malasakit at serbisyong may puso para sa bawat Tarlaqueño.










