Isinagawa ng Management Committee (MANCOM) ng Mabalacat City Public Order, Peace and Gender and Development (POPGAD) Office ang kauna-unahang pagpupulong nito para sa taong 2026, na pinangunahan ni Mayor Geld Aquino katuwang si City POPGAD Officer Charlo G. Costales, RSW.
Sa pulong, tinalakay ang accomplishment reports ng bawat unit at division para sa nagdaang taon, kabilang ang mga programang nagbibigay ng suporta sa mga benepisyaryo ng POPGAD at mga inisyatibang naglalayong protektahan ang mga vulnerable sectors. Napag-usapan din ang mga pangunahing prayoridad ng MANCOM para sa 2026, kabilang ang reorganisasyon ng tanggapan at ang pagbuo ng mga bagong yunit: Institutional Development Unit, Program Management Unit, at General Administrative and Support Services Unit.
Binigyang-diin ni Mayor Aquino ang direktiba na ituon ng POPGAD Office ang mga programa nito sa mga marginalized at vulnerable sectors, lalo na sa mga mamamayang higit na nangangailangan ng tulong at suporta.












