Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

343 Pilipino mula Riyadh, ligtas nang nakauwi sa bansa

Ligtas nang nakabalik sa Pilipinas ang kabuuang 343 Pilipino matapos sunduin ng isang government-chartered flight ang mga distressed at stranded overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa nasabing bilang, 328 ang mga OFW, habang kasama rin ang 11 batang may edad higit sa dalawang taon, dalawang sanggol na wala pang dalawang taong gulang, at dalawang escort.

Pagdating sa bansa, agad silang sinalubong at inasikaso ng mga kinatawan mula sa Department of Migrant Workers, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at Overseas Workers Welfare Administration.

Nagbigay ang mga ahensya ng pamahalaan ng kinakailangang tulong kabilang ang transportasyon, pansamantalang hotel accommodation para sa mga uuwi sa probinsya, pagkain, at financial assistance upang matulungan ang mga repatriated na Pilipino sa kanilang muling pagsisimula sa bansa.

📷Overseas Workers Welfare Administration | Philippine Information Agency

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *