Sa pangunguna ni Tarlac City Mayor Susan Yap, opisyal nang nagbukas ang MaSaYang Street Market! Tampok dito ang samu’t saring pagkain at paninda tulad ng:



- Grilled scallops
- Puto at iba pang kakanin
- Tusok-tusok
- Hotdogs
- Korean street food
- Nachos
- Baked goods
- Kape
- Mga pampalamig
- Mga trinkets at dekorasyon









Idinisenyo bilang isang espasyo para sa family bonding, barkada hangouts, at kwentuhan, nagsisilbi rin ang MaSaYang Street Market bilang plataporma upang suportahan ang mga lokal na vendor at maliliit na negosyante.
Sa masayang kapaligiran at sari-saring pagpipilian, inaasahang maghahatid ang MaSaYang Street Market ng isang gabi ng sarap, saya, at samahan para sa buong komunidad.
📍MaSaYang Street Market
🗓 Enero 16–25, 2026
⏰ 5:00 PM onwards










