
29 micro rice retailers sa Bulacan tumanggap ng cash assistance mula sa DSWD
May kabuuang 29 micro rice retailers sa Bulacan ang tumanggap ng tig P15,000 na cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program-Cash Assistance for Micro Rice Retailers na tugon ng DSWD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga maliliit na negosyanteng apektado ng implementasyon ng Executive Order No. 39 o ang pagpapatupad ng price ceiling sa bentahan ng regular-milled at well-milled na bigas.







