
๐๐ ๐ฆ๐ข๐๐ซ๐จ ๐ซ๐ข๐๐ ๐ซ๐๐ญ๐๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ก ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
May kabuuang 29ย micro rice retailers sa Bulacan ang tumanggap ng tig P15,000 na cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program-Cash Assistance for Micro Rice Retailers na tugon ng DSWD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga maliliit na negosyanteng apektado ng implementasyon ng Executive Order No. 39 o ang pagpapatupad ng price ceiling sa bentahan ng regular-milled at well-milled na bigas.

