Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

25 senior citizens sa Pampanga, tumanggap ng 100K insentibo

25 senior citizens sa Pampanga, tumanggap ng 100K insentibo

Nakatanggap ng P100,000 halaga ng insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang bawat isa sa 25 Kapampangan senior citizens edad 95 pataas na nagmula sa apat na distrito ng lalawigan.

Ito ay naisakatuparan sa ilalim ng One-time Cash Incentive Program ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Pinangunahan nina Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, 2nd District Board Member Fritzie David-Dizon, 3rd District Board Member Atty. Ananias “Jun” Canlas, Jr., at PSWD Officer Elizabeth Baybayan ang awarding na ginanap sa New Legislative Building ngayong Lunes, ika-21 ng Marso.

Dumalo ang mga naturang senior citizen kasama ang kanilang mga kaanak para tanggapin ang kanilang insentibo.

Ayon kay Vice Governor Nanay, layon ng programa na kilalanin ang naging kontribusyon ng mga lolo at lola sa kani-kanilang mga komunidad, lalo na noong mga panahong sila ay malakas-lakas pa.

Bukod sa cash incentives, nakatanggap din ng gatas ang mga benepisyaryo.

-Mga larawang kuha ni Jun Jaso / Pampanga PIO

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *