Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Vaccination Day ginanap sa Morong Bataan

Vaccination Day  ginanap sa Morong Bataan
Matagumpay na naisagawa ang 3-day National Vaccination noong November 29, 30 at December 1, 2021 sa bawat Barangay sa pangunguna ng mga magigiting na frontliners.
Ang malawakang event na ito,na ginanap din sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, ay naglalayong mabakunahan ang malaking porsiyento ng ating mga kababayan bilang kontribusyon sa proteksyon ng bawat pamilyang Pilipino mula sa nakakabahalang COVID-19 at variants nito.
Lahat ng edad 12 hanggang 17 taong gulang, edad 18 gulang pataas, mga tatanggap ng 2nd doze at booster shots ay hinihikayat na magpabakuna.
Pinangunahan ni Mayor Cynthia G. Linao-Estanislao, MD, kasama ang mga doktor at staffs ng Morong Rural Health Unit, ay nagsadya sa mga vaccination sites sa  bayan  ng Morong upang tiyakin ang maayos na proseso at nasusunod pa din ang minimum health standard.
Nagpamigay din ng 5 kilong bigas sa mga nabakunahan bilang bahagi ng programang ito.
Sa December 15, 16, at 17, ay muling hinihimok ang mga mamamayan ng Morong na muling maki-isa sa 2nd Wave ng National Vaccination Days at huwag palagpasin ang pagkakataong maging protektado lalo sa panahong ito.
(Municipality of Morong Bataan)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *