Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

PRRD pinangunahan ang ground breaking ceremony ng Provincial Hospital sa Clark

PRRD pinangunahan ang ground breaking ceremony ng Provincial Hospital sa Clark

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang groundbreaking at capsule-laying ceremony ng Pampanga Provincial Hospital – Clark.

Dumating din sa seremonya sina dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, Pampanga Gov Dennis Pineda, Vice Gov Lilia Pineda, Health Sec Enrique Duque, Senator Christopher Bong Go, Cdc Pres and Ceo PBGen Manuel Gaerlan.

Kasama ring dumalo sina Mabalacat City Mayor Cris Garbo, Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr, at Congressman Jon Lazatin, municipal Mayors at barangay captains sa lalawigan ng Pampanga.

Ang imprastraktura ay isang tatlong palapag na ospital na may dalawang palapag na gusali ng serbisyo na nakatakdang itayo sa Changi Gateway, Clark Global City.

Nilalayon nitong magbigay ng accessible at murang serbisyong pangkalusugan sa mahigit 120,000 manggagawa sa Clark, gayundin sa mga residente ng Pampanga, at mga karatig na lugar nito.

Ang 125-bed capacity facility ay magkakaroon ng tatlong isolation room, 14 na pribadong silid, 16 semi-private na silid, 14 na ward na may apat na kama bawat isa, at anim na ward na may anim na kama bawat isa.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ay naglaan ng kabuuang P200 milyon, na dinagdagan ng inaprubahang P500 milyon na pautang mula sa Landbank, at isa pang P50 milyon mula sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health para sa pagtatayo ng 2,979-square meter na istraktura.

-Mga larawang kuha ni Gerald Gloton, Jaja Galang / Pampanga PIO

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *