Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Ang “Me pag lindol” ni Angel Locsin


“When I felt the earthquake, naisip ko… ‘sh*t wala akong bra!’”

Ito ang nakakatawang post ni Angel Locsin sa kanyang social media account pagkatapos ng lindol kaninang 1:12 AM, Setyembre 27, na may magnitude na 5.7.

Kinagiliwan ng kanyang mga fans ang post ng actress. Lahat halos ng mga babae ay naka-relate.

“Me pag lindol: Kailangan mag-duck o lumabas, ay yung go bag, teka lang yung face mask! At face shield pala! Yung aso! Lente yung bra ko pa!,” anang actress sa kanyang post.

Sa panahon nga naman ng pandemya, hindi lang bra ang hahanapin kapag lumilindol. Pati face mask at face shield pa.

Nung nakaraang araw ay nag-post ang actress ng kanyang recent photo.

“Love every inch of you,” ana ng actress sa social media.

Nag-viral ang naturang post dahil sa laki ng kanyang pinayat. Noong nakaraan ay madalas i-bash si Angel dahil sa paglobo ng kanyang timbang. Hindi pinansin ng actress ang mga ito.

Aniya: “My body, my rules”.

Bukod kasi dito ay mayroon medical condition si Angel na dahilan ng biglang paglaki ng kanyang timbang.

Noong Hulyo 2021 inanunsiyo at ginulat ng actress ang kanyang mga fans na siya ay sasailalim sa 800-calorie diet base sa rekomendasyon ng isang health clinic.

Kaya nabigla ang mga fans niya sa kanyang mabilisang pagpayat. Ang iba ay umalma na peke lang ito at ang iba naman ay may pagdududa.

Nag-post ulit ang actress at sinabing: “Hello everyone, about my recent post that became viral, first I want to say that knowing how to pose the right way can help you look slimmer. I think everyone who posts OOTD’s or watch Top Model know this,” ani Angel.

Nagbigay din ng advice ang actress sa mga nagnanais pumayat to take their time at huwag ma-pressure. At mahalin ang kanilang sarili. Maliban sa mga fans, sinuportahan din si Angel ng kanyang mga kaibigan sa industriya.

Nabanggit din ng actress na: “slowly, yes I was able to slim down—but I’m acknowledging that I’m still a work in progress,” anang actress.

Nasabi rin niya na inaalagaan niya ang kanyang kalusugan at sumusubok ng bago. Hindi pa daw handa ang actress na ibahagi ang kanyang “fitness journey”. Tsaka na lang daw kapag siya ay “confident” na.

“I will not let anyone dictate my pace. But I am looking forward to what I can achieve in the next three months or so,” wika ni Angel.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *