Iskolar ng Kapitolyo, nakatanggap ng tulong pinansyal
Sa pamamagitan ng programa ni Governor Dennis “Delta” Pineda, 66 college students mula sa iba’t ibang distrito ng Pampanga ang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Kapitolyo.

Sa ngalan ni Governor Delta, pinangunahan ni Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, kasama sina 3rd District Board Member Ananias Canlas, Jr at Provincial Librarian Jasmine Cordero, ang pamamahagi ng P4,000 na ayuda sa bawat estudyante.

Ang mga natulungang estudyante ay kabilang sa mga benepisyaryo ng Educational Financial Assistance Program (EFAP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.
: Luisse Rutao / Pampanga PIO












