Historical marker sa Tarlac, pinasinayaan
Pinasinayaan ang panandang pangkasaysayan sa Katedral ng Tarlac, kasabay ang paglagda sa paglipat ng isang napakamahalagang tanda para sa lungsod.
Kasabay ng paggunita sa ika-123 taon ng Tarlac Revolutionary ang santuwaryo ng Katedral ng Tarlac ay naging saksi sa unang Republika ng Pilipinas na nakapaghatid at nakagawa ng kaayusan sa kaguluhan noong taong 1899.
Dinaluhan nina Punong Lungsod Mayor Cristy Angeles, Vice-Mayor Aro Mendoza, mga panauhin mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan na sina OIC Executive Director Carminda Arevalo at komisyoner Dr. Lino L. Dizon, Obispo ng Diocese ng Tarlac Bishop Enrique V. Macaraeg, mga kaparian at mga pinuno ng Departamento ng Pamahalaang Lungsod at iba pang mga mahahalagang panauhin.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa ilalim ng administrasyon ay nangangakong susuportahan ang pagpapalaganap ng kaalamang ito, hindi lamang sa mga mamamayan ng Tarlac City, kung hindi maging sa ibang mga taga ibang bayan.
Pinasasalamatan at pinupuri ni Mayor Cristy Angeles ang National Historical Commission sa patuloy na pagsisikap para sa kaalaman at kamalayan ng bawat Pilipino ang kasaysayan ng ng bansa. (Tarlac City Information Office)