Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

DENR-CL namigay ng piglets, feeds sa Women’s Organization sa Tarlac

DENR-CL namigay ng piglets, feeds sa Women’s Organization sa Tarlac

Ang Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon ay namahagi ng sentinel piglets at feeds sa mga miyembro ng Kaisa Women’s Organization (KWO) ng siyudad ng Tarlac nitong ika-20 ng Hulyo sa Tibag Evacuation Center, Tarlac City, Tarlac.

Ang pamimigay ng sentinel piglets at feeds ay sa ilalim ng Livestock Program ng Kagawaran ng Pagsasaka na Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) na tumutugon sa programang Recovery, Rehabilitation at Repopulation.

Ito’y naglalayong mas mapabilis ang pagbawi ng sektor ng baboy mula sa African Swine Fever (ASF) na kung saan ito’y isang tatlong-taong programa na nag-aalok ng magkakahalong interbensyon upang simulan at buhayin ang industriyang ito.

Sa pagpapatupad ng programa, nangangailangan ng partikular na atensyon mula sa clustering hanggang consolidation ng mga estratehiya, lalung lalo na ng maliliit na hog raisers upang mas mapadali pa ang teknikal na suporta at iba pang mga interbensyon ng ahensya.

Sinisiguro naman ni City Veterinarian Dr. Soliman III ang patuloy na pagsuporta ng City Veterinary Office sa programa. “Nakaantabay po ang veterinary services, bibisita po kami para icheck ang inyong mga baboy, periodically kukuha po kami ng dugo para icheck ang kalusugan nila, at mamomonitor po ito hanggang sa panahon na maibebenta niyo na sila,” paniniguro nito.

Dagdag pa rito ay ang pagpapa-alala niya sa mga tatanggap, na feeds lamang ang ipakain sa mga biik at huwag na huwag pakakainin ng tira-tirang pagkain upang mas maiwasan ang pagkakaroon ng posibleng sakit.

Sa mensahe naman ni Mayor Angeles, hinikayat niya ang mga ito na mas lalo pang pagyamanin lalung lalo na sa panahong ito na napakataas ng halaga ng baboy.

“Ngayong araw na ito, uuwi tayong masaya, hindi po biro ang ibibigay na tulong sa atin ng Department of Agriculture,” dagdag niya.

Taos-pusong pasasalamat at kasiyahan ang ipinarating sa Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa patuloy na ibinibigay nitong suporta sa Tarlac sa sektor ng agrikultura.

Samantala, idinagdag din ang iba’t ibang oportunidad mula sa iba’t ibang uri ng livestocks na kaniyang nabanggit lalung lalu na sa pangangalaga ng rabbit at ang mga benepisyong makukuha mula rito.

Pinaalalahanan naman ni Regional Technical Director Lapuz ang mga benepisyaryo, na kapag nagkaroon ng mga problema ang mga biik ay agad na isangguni sa City Veterinary Office upang agad na maaksyonan.

Ang programa ay dinaluhan at pinangunahan nina DA RFO III Regional Technical for Operations and Extension, at Agribusiness Marketing Dr. Eduardo L. Lapuz Jr., Regional Livestock Program Coordinator Elisa Mallari, Agriculturist II Agripina Tuazon, Provincial Veterinary Office Representatives Dr. Jenivive Soliva at Dr. Elma Canlas, Tarlac City Mayor Cristy C. Angeles, Councilor KT Angeles, KWO Coordinator Vilma Tomas at City Veterinarian Dr. Ponciano Noel M. Soliman III kasama si Dr. Gian Canlas.

Sa kabuuan ay 45 na miyembro ng KWO ang nakatangggap ng tig-tatatlong biik at siyam na sako ng feeds.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *