Binuksan na ang outpatient clinic ng Pandi District Hospital sa Bulacan para sa mas mabilis na serbisyong medikal.
Pinangunahan ni Gobernador Daniel Fernando ang pagbubukas ng 25-bed capacity na pasilidad.
Ayon kay Fernando, 40.04 milyong piso ang inilaan ng Kapitolyo para rito habang 19.18 milyong piso ang mula sa National Housing Authority.
Ang dalawang palapag na gusali ay itinayo sa may walong libong metro kuwadrado na lupain.
Samantala, pansamantalang naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng dalawang doktor, dalawang nars, isang attendant at apat na sekyu para sa operasyon ng pasilidad.
Nakatakda naman isunod para sa rahabilitasyon ang Calumpit District Hospital. (PIA 3)