Namahagi ang Pamahalaang Panlungsod, sa pangunguna ni Mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr., ng tolda para sa mga tricycle drivers at operators ng Angeles City.
Pinangunahan ng mga miyembro ng Public Transportation and Regulatory Office, sa pamumuno ni Jerome Feliciano, ang pagbibigay ng tolda sa PUL-MAR TODA, MARQUEE TODA, PG TODA, JVP TODA, PCER TODA, PTCHS TODA, PC NLEX TODA, SS TODA, TPTODA, LLMTODA, CBSNV TODA at SMWE TODA.
Hangad ng administrasyon ni Mayor Lazatin na bigyan ng prayoridad at pansin ang mga pangangailangan ng mga nasa sektor ng transportasyon.
Matatandaan din na nitong simula ng pandemya, binigyan din ng lokal na pamahalaan ang mahigit 12,000 na tricycle driver ng Federation of Tricycle Operators and Drivers Association (FEDTODA) at 3,000 jeepney driver ng Pangkalahatang Samahan ng mga Drayber sa Angeles City (PASADA) ng tig-P1,000 na financial assistance. (Angeles City Information Office)