Nais pong ipabatid ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na maaaring pumunta o mag-walk-in para magpabakuna ng first dose ang mga residente ng Barangay:
- Pulung Maragul
- Cutcut
- Balibago
Sa City College of Angeles, bukas Oktubre 14, 2021, mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-5 ng hapon.
Magdala po ng ID na katunayang residente kayo sa nasabing barangay.