𝐁𝐚𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐫𝐚𝐜, 𝐃𝐎𝐒𝐓 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲

Nabiyayaan ngayong araw ang bayan ng Porac ng proyektong CEST o Community Empowerment thru Science and Technology ng Department of Science and Technology o DOST.

Pinangunahan ni Mayor Jaime V. Capil ang pag-turn over sa Brgy. Sapang Uwak ng hydram project, na malugod namang tinanggap ni Kapitan Solis Palo. Ang hydram project ay isang green technology na sa murang halaga ay magkakaroon ng suplay ng tubig ang mga bulubundukin lugar tulad ng Sapang Uwak na di kailangan gumamit ng kuryente o generator para mapadaloy ang tubig.

Nagbigay din ang DOST Pampanga sa pamamagitan ni PD Mary Michelle M. Quiambao ng mga tablets para magamit ang mga ito sa paghahanda sa mga sakuna gamit ang mga Apps na ginawa ng DOST para sa paghahanda sa posibleng sakuna dulot ng landslide, lindol, pagbaha at iba pa.

Pinasalamatan naman ni Mayor Capil ang buong DOST sa tuloy tuloy na pagtulong ng ahensya sa bayan ng Porac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *