Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Pagbabakuna sa kabataan, sinimulan na sa Bulacan

Nagsimula na ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga kabataan sa Bulacan na may edad 12 hanggang 17 taon gulang.

Nagsimula na ang pagbabakuna sa mga kabataan sa Bulacan na may edad 12 hanggang 17 taon gulang laban sa COVID-19. (Bulacan PPAO)

Personal na sinaksihan ni Gobernador Daniel Fernando ang bakunahan sa vaccination site sa Hiyas Convention Center para sa Pedia A3 o mga batang may comorbidities.

Target ng lalawigan ang mabakunahan ang may 500,000 kabataan.

Para sa mga nagnanais magpabakuna, maaaring sagutan ang registration form sa tinyurl.com/BULACANPediaReg at hintayin ang mensahe para sa iskedyul ng pagbabakuna

Nakiusap si Fernando sa mga kabataan na magpabakuna bilang pandepensa sa naturang virus.

Nanindigan din ang punong lalawigan na hindi muna papayagan ang face to face class hanggat hindi pa fully vaccinated ang lahat ng estudyante sa lalawigan. (PIA 3)

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *